Iba talaga kapag naglalakad ka at nakikita mo ang mga tao at iba’t- ibang bagay sa paligid mo. Lalo na kapag tulad ko na dakilang “commuter” ka, ibig sabihin nito ay wala kang ibang paraan sa pagpunta sa ibang lugar kung hindi ang maglakad,sumakay ng jeep, fx o LRT.
Papunta ako ng ABS-CBN noong Sabado, natural magji-jeep ako papunta roon. Ayaw kong mag-taxi kasi panigurado mauubos ang pera ko dahil napakamahal na ng taxi ngayon. Nagpaturo ako sa kapatid ko kung papaano magpunta doon. Noong nasa TIMOG na ako, yung sa may paikot na ang nasa gitna eh ang mga BOYSCOUTS na nadisgrasya noon[pasensya na hindi ko alam yung mismong pangalan ng lugar] eh bumaba na ako. Sabi kasi ng ate ko isang kanto lang daw ang lalakarin ko, NGUNIT mali siya…mga 2 o 3 kanto simula sa binabaan ko ang layo ng nilakad ko.
Habang tinitigan ko ang higanteng tower ng ABS-CBN may narinig akong nagsabi ng P.I.[isa itong masamang salita].Parang napaka-ordinaryo na lang ng salitang iyon sa kanila. Kasi nasa taas siya ng puno ng mansanita at yung batang sumasalo ng inihagis niyang mansanita ay hindi nadampot ang prutas. Mga nasa 5 hanggang 6 na taong gulang ang mga batang iyon. Kung tutuusin dapat ay wala sila sa kalye AT hindi pa nila nalalaman ang mga salitang hindi maganda. Hindi ko sinasabing hindi ako nagsasalita ng masama. Sa totoo lang pinipigilan ko na. Minsan nga nung araw na puro ata masasamang salita ang nasabi ko na-karma ako. Iinom ako ng tubig kasi napakainit nung gabing iyon, tapos dahil dispenser ang gamit naming at gabi pa ang nailgay ko ay mainit na tubig. Tapos habang painom ako nailabas ko yung mainit na tubig na iniinom ko. BOOM!KARMA!
Kahapon naman habang papauwi na ako sakay ng jeep galing ng Katipunan ay may mga nakita akong mga grupo ng kabataan[mukhang nasa hayskul pa sila]na nakasuot ng pang-rakista ang dating. Nakasuot ng itim na dami, maluluwang na damit at nakasuot ng sun glasses kahit na madilim na. Ito na ba ang pinakaka-abalahan ng mga bata ngayon?Ang “trip” nila?
Napaisip kasi ako kanina, imbes na candy, sigarilyo…imbes na kumain sila ang ginagawa ng iba ay pinanglalaro nila ng “on-line” na mga laro ang pera nila.
Wala lang, iniisip ko lang kasi hanggang ditto na lang ba ang Pilipinas? Kasi kung ganito ang kabataang Pilipino paano na?